GAD Plan and Budgeting Orientation

GAD Plan and Budgeting Orientation: Tungo sa mas Inklusibo at Makabuluhang Pamamahala!

Isang makabuluhang hakbang tungo sa gender-responsive at inklusibong pamamahala ang isinagawa sa pamamagitan ng GAD Plan and Budgeting Orientation para sa mga Barangay Officials at employees ng Barangay Dajay, Surallah, South Cotabato noong Mayo 28, 2026.

Sa pamamagitan ng orientation na ito, napalawak ang kaalaman at pag-unawa ng mga kalahok sa kahalagahan ng Gender and Development (GAD) sa pagpaplano, pagba-budget, at pagpapatupad ng mga programa at aktibidad na tumutugon sa tunay na pangangailangan ng bawat sektor ng komunidad. Layunin nitong matiyak na ang mga programa at serbisyo ng barangay ay pantay, makatarungan, inklusibo, at walang naiiwan.

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may pagkakapantay-pantay, paggalang, at oportunidad para sa lahat!

#GADPlanAndBudgeting #GenderAndDevelopment #GenderResponsiveGovernance

You may also like